Nakakatawang isipin…

Sa buhay natin, marami talagang problema ang pinagdaraanan natin. Maging napaka-simple man nito, o maging napaka-komplikado… kailangan nating harapin. Kailangan natin solusyonan para hindi na tayo guluhin. Dito pumapasok sa isip ng karamihan ang magdasal, ang lumapit sa Diyos. Nakakatawang isipin na nakakaalala lang ang iba sa panahong kailangan natin siya. Pero ayos lang ‘yon, naiintindihan niya tayo. Ganon niya tayo kamahal, e. Pero kailangan natin tandaan na hindi sapat ang magdasal, kailangan pinapakita rin natin na pinaghihirapan natin ang mga bagay na gusto natin. H’wag mong hilingin na, ” Diyos ko, sana po magkapera na ako.” Ang dapat na hinihiling mo, e, “Diyos ko, tulungan at gabayan niyo po ako para po magkaroon na ako ng pera.” Hindi mo dapat hinihiling ang pera, o kung ano pang materyal/pangangailangan mo ‘yan. Ang tulong at gabay dapat ng Panginoon ang hinihingi mo para tulungan kang magkapera. Hindi naman ‘yan mahuhulog sa harapan mo habang nakaluhod at nagdarasal sa loob ng simbahan, e. Dapat may ginagawa kang paraan para makuha. Maaaring hinihiling mo ngang magkaroon ng trabaho, ang tanong, “Naghahanap ka ba ng trabaho?” Baka mamaya ni resume, wala ka pang pinagpapasahan? Anong gusto mo, pagdasal mo na humihiling na sana’y magkatrabaho, bigla na lang may tatabi sa ‘yo’t tatanungin ka kung gusto mo ng trabaho? Dapat naghahanap ka rin. Baka mamaya naman kasi buong araw ka lang nagdarasal sa simbahan para sa mga gusto mo. Tandaan natin na hindi hinihingi ng Diyos ang buong araw natin para kausapin siya. Isang minuto, tatlo, o limang minuto… ayos na sa kanya. Ang mahalaga ay naaalala natin siya sa kahit anong oras pa. Magdasal at kumilos, hindi magdasal at maghintay. Mas matutuwa pa Siya kung sandali ka lang nagdasal at binuhos mo ang natitirang oras sa isang araw mo nang nagpupursigi para sa mga hiningi mo. At sa huli, makuha mo man o hindi ang kailangan mo, magpasalamat ka pa rin sa Kanya. Kaya tandaan ulit, hindi Niya hinihingi ang buong araw mo para magdasal sa kanya. Kahit saglit lang. Ang mahalaga lang, e, maalala mo siya. Sabi nga, “Pray hard, it works.” Dapat palitan ‘yan ng “Pray hard and Work harder, it happens.” 🙂

Advertisements

Sorry na…

Tayo ay nasa mundong maraming katanungan,

Upang ang mga bagay ay mabigyan ng linaw.

Tulad sa relasyong walang kasiguraduhan

Ngayon nga’y masaya, pa’no sa sunod na araw?

 

Marahil nagkamali sa mga nasabi ko,

Dahil pansin kong may nagbago sa ‘ting pagtrato.

Kapatawaran sa nasabi’y sana ibigay,

Hiling ko’y magsimula ulit sa dating taglay.

 

‘Di sigurado kung tama pa ang ginagawa,

Wala na ‘kong paki kahit magmukha pang tanga.

Itatak sa utak na hindi kita iiwan.

Dam’hin ng puso na ‘di kita pababayaan.

 

Sa pagiging magkaibigan ako’y ayos na.

Kung lumagpas tayo do’n, aba, edi masaya!

Ngunit ako’y kuntento’t ‘di na muna aasa.

Mahal, nandito ako sa hirap at ginhawa.

Minsan…

Sa buhay natin, maraming minsan na dapat nating matanggap bilang pansamantala lamang. Minsan? Mga bagay na dumaraan lang. Mga bagay na pahapyaw lang sa mas magandang mangyayari sa buhay natin. Lalo na sa pag-ibig, sa umpisa talaga noong bata pa tayo, napakaraming minsan ang kailangan mong pagdaanan. Hindi mo maiiwasan. Minsan kasi may makikilala tayong naramdaman nating iba sa paraan kung papaano niya napapagaan ang loob natin, kung pa’no niya nabibigyang ngiti ang mga labi natin, kung pa’no niya nabibigyang sigla ang buhay natin. Pero minsan talaga, darating ang panahon na mawawala na lang ito. Pinipilit nating maging maayos pa ang lahat, pinipilit natin na hindi lang ito pagkakaintindihan, pinipilit natin na lilipas din ‘yon… kaso sigurado ka nga ba sa pinipilit mo? Minsan kasi ang solusyon ay hayaan na lang. Hindi ‘yung ipilit pa. Hindi naman masamang ipaglaban ang pag-ibig, hindi masamang magpakatanga, hindi masamang umintindi… ang masama lang ay ‘yung ikaw na lang ang lumalaban, nagpapakatanga, umiintindi, at nagmamahal. Lagi nilang sinasabi na nandiyan na nga ‘yung taong nagmamahal sa ‘tin, hindi pa natin binigyan ng pagkakataon. Pero hindi ba nila naisip na tayo, bilang tao, ay may minamahal din. Pantay-pantay lang tayo ng napagdaraanan, hindi lang natin alam. Ganyan kasi talaga ang buhay, minsan lang ibigay kung ano ang gusto mo. Minsan pa masaya na kayo sa pagiging magkaibigan pero sweet, sasabihin niyo pa na mas mabuting hindi na lang pag-usapan. Pero hindi niyo ba naisip na pagdating ng panahon na makahanap na ‘yan ng ibang taong kaya niya makipag-commit, iiwanan ka na lang niya? Ano na? Masaya pa nga ba? Minsan may pinaniniwalaan tayong nandon sa ayos lang, masaya naman, e. Pero dapat isipin natin na, ‘wag na, kaya kong maging masaya. Maraming dahilan para maging masaya, sasabihin nating mahirap, o wala. Pero meron talaga, hindi lang natin tanggap. Hindi man tayo sigurado kung hanggang kailan tayo buhay, pero ‘di ba mas okay pa rin na maging masaya ka na walang pinipilit na bagay. Ganyan talaga sa pag-ibig, komplikado minsan. Kasi ‘yung akala nating ayon na, pang-minsan lang pala. ‘Yung pagmamahalan na inakala nating panghabambuhay, nawawala na lang. Buti pa nga ang MINSAN, may patunay na. Ang habambuhay, wala pa. H’wag na nating hayaan na ang minsan na nagpalungkot sa ‘tin ay maging kadalasan pa. Subukan mong MINSAN, maging masaya ka naman dahil sa sarili mo.

Mundane Activity of Reality

A world where all people judges those who stand out, those who are weird, and those who are different, but cares less to those who are normal, and those who are ordinary. Yes, we live in a world full of judgements. Sad life, it is. We are not living in a movie where in you should really consider all these anxieties because you have limited people around you because of limited characters. But no, this is reality. As much as they can judge you, you can care less. This is the part where you should decide whether you’ll bother yourself “fitting in” or decide not to care… at all.  And for a fact, we can grab a chair and build castles in the air that someday…. someday all of these might lead in to vicissitude. But this is the present-day where we should all live. Can you imagine how awful it is? Every time we wake up and go out to face the world, we need to be strong. So how can you seriously be happy with that? How can you live in a world where you are not hundred-percent accepted? And sure, we can say that you don’t need to “please” everyone. But what if you already have no one? What if because you cared less, everybody did the same to you? That’s not okay, seriously.  And what’s worst is this is not just for today, we need to face it daily. Until the day everything will be different. Fairy tales were just for innocent kids. Movies are just for fantasizing. Life is for us. It is for us to face and re-live. .. It will be and I hope not for a long time, the mundane activity of our pathetic life. When can we possibly dress the way we want, eat the way and what we want, speak how we want, love who we love, live whatever life we want without being judged, with just being simply welcomed, accepted.