Ang pagtanggap sa sarili. (Four Sisters And A Wedding – Movie Review)

Madrid, John Paul M.

Colegio de San Juan de Letran – Intramuros

 

Ang Four Sisters And A Wedding ay handog sa atin ng Star Cinema na isang pang-pamilya o pang-magkakapatid na pelikula. Ito ay tungkol sa Salazar Siblings na muling nagsama-sama makaraan ng ilang taon para sa kasal ng kanilang bunsong kapatid. Hindi lang sila umuwi para masaksihan ito, ngunit para pigilan na rin. Ang pelikula ay hindi lamang nakasentro sa kasal ni CJ, ang bunsong kapatid, ngunit ipinakita rin dito ang mga narating ng magkakapatid. Ang magkakapatid ay sina; Teddie, ang panganay, na OFW sa Spain; Bobbie, naging tagumpay sa kanyang piniling propesyon sa New York; Alex, isang independent Film assistant director; Gabbie, isang guro na nakatira kasama ang kanilang ina; at CJ na kanina’y nabanggit na. Hindi man naging perpekto at masagana ang lahat, pero isa pa rin ang naging dahilan para magkasama-sama at magkasundo sila… ito’y dahil sila ay magkakapatid, sila ay pamilya.

 

Ang pelikula ay naging matagumpay dahil sa masuring pagpaplano at maayos na organisasyon. Unahin na natin ang casting, hindi maikakailang nakuha nila ang ilan sa mga batikang aktor na nagampanang maayos at nabigyang buhay ang mga pagkatao ng mga karakter. Kasama na rin ang mga make-up artists at stylists na tumulong para lalong mabagay ang mga aktor sa kanilang karakter. Kabilang na rito ang mga maayos at magaling na trabaho ng mga tao sa likod ng pelikula na nag-ayos ng set para mas mabigyang ideya ang manunuod sa kung anong estado ng buhay ang mayroon ang isang karakter, at props para mabigyang ideya ang mga tao sa kung anong posibleng mangyari. Sa mga taong responsable para sa editing na nagbigay ayos sa pagkakasunod-sunod, framing at kung ano-ano pang kailangang i-edit, at sa mga taong responsable sa mga musika o tunog na ginamit sa pelikula para mabigyang kasukdulan ang emosyon sa bawat pangyayari. At lalo na sa mga manunulat na gumamit ng wika na maiintindihan at makakapukaw ng atensyon ng mga manunuod kung saan sila makaka-relate. At hindi rin natin puwedeng makalimutan ang direktor na naging masipag at matalino sa bawat desisyon para sa pelikulang ito. Hindi natin maikakaila ang tagumpay na nakamit ng pelikula dahil sa mga tao sa harap at likod ng camera.

 

Naging maganda at magaling ang unang handog na pelikula ng Star Cinema para sa kanilang ika-dalawampung anibersaryo. Ito’y napapanahon nga para sa atin upang mas matanggap at mabigyang-pansin natin ang pagmamahal ng pamilya natin. Pero bukod doon, mas matatanggap natin ang sarili natin dahil maaari nating makita ang pagkatao natin sa isa sa mga karakter sa pelikula. At mula doon ay makikita natin na hindi ka man ang pinakamagaling, pinakamabait, pinakamatalino, o pinakamatagumpay, may pamilya ka pa rin na magmamahal sa ‘yo at ang tingin sa iyo’y ikaw ang pinakamagaling/mabait/matalino/matagumpay na taong kilala nila. At ang mas importante nga sa lahat ay ang pagkilala mo sa sarili mo, sa mga kakayahan at kahinaan mo, at pagtanggap dito.

Pinas o Finas?

Madrid, John Paul M.

Colegio de San Juan de Letran-Intramuros

 

Filipinas o Pilipinas? Ano nga ba ang nararapat? Marami ang nagsasabi na Filipinas dapat ang gamitin dahil sa letrang F na nakapaloob na sa ating alpabeto, at marami ring nagsasabing Pilipinas dapat dahil sa ito ang unang ipinangalan sa atin sa ating pagkalaya mula sa mga mananakop. Makuha man ito sa abacada o modernong alpabeto na ginagamit ngayon, ano nga ba ang dapat? Lalayo na ako sa mga argumentong nakasentro sa alpabetong ginagamit natin. O sa iba pang paulit-ulit na ring ginagamit. At magbubukas ng bago, hindi man bago ngunit ito’y malimit na nating marinig.

 

Pilipinas ang pinipili ko dahil sa simpleng dahilan, dito na tayo kilala. Bukod sa bansag na Philippines, ay ito ang alam na ng mga banyagang itawag sa atin. Hindi ganoon kadaling maging kilala, kaya bakit pa natin babaguhin? Naging tanyag na nga ang ating bansa dahil sa mga kababayan nating nagbigay ningning sa lahi natin. Doon na tayo kilala kaya dapat makuntento na tayo sa pagkakakilanlan sa atin. At isa pa, Filipinas ay tumutukoy rin sa mga kababaihan sa ating bayan. Maraming banyaga ang gumagamit ng Filipina upang ipakilala ang isang babae mula sa ating bansa. ‘Wag na nating lituhin ang sarili natin at ang ibang bansa. Mahalin natin ang pangalang kinasanayan natin.

 

Marami ngang ibang problema ang mas kailangang pagtuonan ng pansin kaysa sa Filipinas o Pilipinas na ito. ‘Wag naman sanang dahilan ng pagtatampok ng usap-usapang ito ay para matakpan ang mga hindi mapunang problema sa ating bayan. Gawin nating simple lamang ang buhay at tanggapin natin ang pangalang nakakabit na sa lahi natin. Tayo ay mga pinoy/pinay na galing sa Pilipinas. Patuloy nating patanyagin ang ating lahi.

Someone who doesn’t exist.

        “You don’t need anyone to be happy.” That’s what they say. But, clearly, only lunatic people would say that. Of course, you need someone to be happy. I’ve been to trips alone some time, fulfilling yet it would be meaningful if you’re with someone. I’ve been there, and I’ve done that. I know it better than anyone who hasn’t experienced that.

 

        We all need that someone who could go along with our weirdness. Being alone is being insane. And I’m guilty. But this time I felt sad. Who would not want to meet someone? Who would not want to be with a person who could go along with your trips? No one. And if there’s anyone who disagrees, talk to me, or talk to some expert one. Maybe your mind is not normally stabled. Anyway, honestly, I felt sad. I want someone who could go an out of town trip with me for a day that wasn’t planned. I want someone who could ditch their plans, classes, or work for a day to go somewhere, far. I want someone whom I could ask to go to the mall with, anytime of the day, without knowing what to do there, and then see a movie with me, or pig-out with me, or whatever. I want someone who could go along with me. It would be perfect. Just perfect!

 

        See, that’s what I’ve been waiting for. For the last 18 years of my life, too young, though. So it’s okay for me to wait. But not that long. I just want to have someone who won’t get tired going on trips with me. Because I don’t want to be alone. I know how bad it feels to put your camera on timer just to have a whole body shot of yourself to a wonderful place. I know how bad it feels to lean on the bus’ window to sleep instead of leaning on that special one’s shoulder. I know how bad it feels not to have someone who you can share excitement and happiness with as you reach a wonderful place for the first time. I know how bad it feels to be with someone who doesn’t exist. Crazy, right?