At Iba Pang Sanaysay (Anim na Sabado ng Beyblade – Book Report)

Madrid, John Paul M.

Colegio de San Juan de Letran – Intramuros

 

Marami na akong nabasang libro na patungkol sa politika, gobyerno, mala-black propaganda, love story, fantasy, at mga iba pang karaniwan nang tinatalakay, sinasalaysay, o pinapatungkolan ng libro, lokal man o foreign. Ngunit dahil sa isang akda/sanaysay na nakuha mula sa isang libro na binasa namin sa Fil103 ay nagkaroon akong interes basahin ang buong libro, ang Anim na Sabado ng Beyblayde at Iba Pang Sanaysay ni Ferdinand Pisigan Jarin.

Ang sampung sanaysay sa loob ng libro ay may mga pamagat na Quinabuangan, D’Pol Pisigan Band, Barko, Pulot Boy, Niog, Repaks, Kumbento, Service Crew, Baclaran, at Anim na Sabado ng Beyblade. Ito ay nagsasaad ng iba’t ibang buhay ng karaniwang tao na hindi naman karaniwang sinusulat bilang akda. At naging sobrang malikhain ng isip ni Jarin para gawing mas makatotohanan ang bawat sanaysay. Naging malawak man ang sakop ng paksa base sa lugar, pero nagiging malapit naman ito dahil sa ito ay ang mga posibleng nangyayari talaga sa buhay ng isang tao. Isang taong hindi ganoon ka-pansin sa lipunan, isang taong hindi nababalita sa pahayagan o telebisyon, isang taong wala sa mga print ads, isang taong walang Monumento sa kung saang lugar man na maaaring mapaglagyan niyo, pero ito ay isang taong hindi natin nakikita minsan. Isang taong namamaliit, nabababa, o hindi lang talaga visible sa atin. Tulad nga ng sinabi ko kanina, isang karaniwang tao lamang.

Kaya siguro nasulat ang mga sanaysay na ito ay para malaman natin ang mga posibleng tao na ordinaryo lamang sa paningin natin. Mga taong wala lang sa mata natin, mga taong hindi natin lalapitan para magpa-picture, kung hindi mga taong sasalubungin, o daraan-daanan lamang natin. Hinayaan tayo ni Jarin na malaman ito para matuto tayo rumespeto. Hinayaan niya tayong mag-isip at magnilay kung may konsepto pa nga ba tayo ng pakikipag-kapwa tao. Dahil ayon ang kulang sa atin ngayon. Lalo na sa iba na sobrang taas na ng tingin nila sa sarili nila, nawawala na ‘yong pagrespeto nila sa iba. At ayon ang nakikita kong layunin ni Jarin sa pagsulat nito. Gumamit din siya ng wika na maiintindihan nating lahat bilang karaniwang tao. May mga salita naman siya ipinapasok pero sinasabi rin kung ano iyon para mas maintindihan natin, para mas makibagay tayo sa akda niya. At hindi naman siya nabigo. Bukod sa mga tawang nabigay ko, at pagsabi ng “oo nga, ‘no?” ay ang pag-iisip sa dulo na nakakatawa nga ba ito sa totoong buhay.Ayon ang kinaganda ng librong ito, ang pagiging isa sa atin bilang tao. Hindi ako at hindi na ako magbibigay ng mga detalye o kuwento sa rebyu na ito dahil gusto ko na pati kayo, na nakakabasa nito, ay magkaroon ng interes na basahin ang buong libro. Dahil ito’y maganda talaga. Maganda dahil mamumulat tayo nito sa buhay-buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s