Minsan…

Sa buhay natin, maraming minsan na dapat nating matanggap bilang pansamantala lamang. Minsan? Mga bagay na dumaraan lang. Mga bagay na pahapyaw lang sa mas magandang mangyayari sa buhay natin. Lalo na sa pag-ibig, sa umpisa talaga noong bata pa tayo, napakaraming minsan ang kailangan mong pagdaanan. Hindi mo maiiwasan. Minsan kasi may makikilala tayong naramdaman nating iba sa paraan kung papaano niya napapagaan ang loob natin, kung pa’no niya nabibigyang ngiti ang mga labi natin, kung pa’no niya nabibigyang sigla ang buhay natin. Pero minsan talaga, darating ang panahon na mawawala na lang ito. Pinipilit nating maging maayos pa ang lahat, pinipilit natin na hindi lang ito pagkakaintindihan, pinipilit natin na lilipas din ‘yon… kaso sigurado ka nga ba sa pinipilit mo? Minsan kasi ang solusyon ay hayaan na lang. Hindi ‘yung ipilit pa. Hindi naman masamang ipaglaban ang pag-ibig, hindi masamang magpakatanga, hindi masamang umintindi… ang masama lang ay ‘yung ikaw na lang ang lumalaban, nagpapakatanga, umiintindi, at nagmamahal. Lagi nilang sinasabi na nandiyan na nga ‘yung taong nagmamahal sa ‘tin, hindi pa natin binigyan ng pagkakataon. Pero hindi ba nila naisip na tayo, bilang tao, ay may minamahal din. Pantay-pantay lang tayo ng napagdaraanan, hindi lang natin alam. Ganyan kasi talaga ang buhay, minsan lang ibigay kung ano ang gusto mo. Minsan pa masaya na kayo sa pagiging magkaibigan pero sweet, sasabihin niyo pa na mas mabuting hindi na lang pag-usapan. Pero hindi niyo ba naisip na pagdating ng panahon na makahanap na ‘yan ng ibang taong kaya niya makipag-commit, iiwanan ka na lang niya? Ano na? Masaya pa nga ba? Minsan may pinaniniwalaan tayong nandon sa ayos lang, masaya naman, e. Pero dapat isipin natin na, ‘wag na, kaya kong maging masaya. Maraming dahilan para maging masaya, sasabihin nating mahirap, o wala. Pero meron talaga, hindi lang natin tanggap. Hindi man tayo sigurado kung hanggang kailan tayo buhay, pero ‘di ba mas okay pa rin na maging masaya ka na walang pinipilit na bagay. Ganyan talaga sa pag-ibig, komplikado minsan. Kasi ‘yung akala nating ayon na, pang-minsan lang pala. ‘Yung pagmamahalan na inakala nating panghabambuhay, nawawala na lang. Buti pa nga ang MINSAN, may patunay na. Ang habambuhay, wala pa. H’wag na nating hayaan na ang minsan na nagpalungkot sa ‘tin ay maging kadalasan pa. Subukan mong MINSAN, maging masaya ka naman dahil sa sarili mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s