Nothing to regret, super saya kasi!

Kala ko okay na ‘yung panahon ngayon kasi pagkagising ko kaninang umaga wala ng ulan. Kaya nag-grocery kami ng mga kaibigan(Kat&Shane) ko para magdonate sa isang church na nag-relief operation. 

Image

 

Tapos habang nag-grocery kami, bumuhos nanaman ‘yong napakalakas na ulan. Pero tinuloy pa rin namin. Super hirap ng byahe going to LRT, walang jeep kaya nag-pedicab kami. ‘Yung pedicab ay dumaan sa baha, wala naman kasing choice, edi hassle. Pero tuloy pa rin. Tas medyo okay na naman ‘yung byahe dalawang tren na lang naman ang kailangan para makapunta sa location. Nung nasa 2nd train na kami, bumaba kami sa Shaw, mali pala nababaan namin dapat sa Ortigas, one station ahead lang. Medyo naisip namin ‘wag nang tumuloy, kaso one station ahead na lang naman, kaya tuloy pa rin. Maraming tao sa train kaya nag-bus na lang kami going to the location, medyo malapit na lang naman. Tapos ayon, nakarating na nga kami sa Victory Church, Ortigas. 

Image

 

Ang mababait ng mga naghahandle ng operation. Iniisip namin kung sasali pa kami sa re-packing, kaso tapos na pala sila kasi medyo late na kami nakarating sa hirap ng byahe kaya after naming ibigay, umalis na rin kami. Tas mas okay na ‘yung byahe pabalik. Punta kaming SM San Lazaro para mag-dinner. 

Image

 

Unfortunately, sarado na siya pagdating namin. Kaya umuwi na lang kami, iba ‘yung way ko sa kanila kaya humiwalay na ako. And eto na start ng mas funny experience. Wala akong masakyan pauwi, so naglakad lang ako from SM San Lazaro hanggang bahay. Malayo siya, wala na akong oras para sukatin pa. Haha. Kidding aside, wala akong choice kung hindi lumusong sa baha. 

Image(Medyo madilim, pero ayan ‘yung nakalubog kong legs-paa sa baha)

Nung umpisa, medyo okay pa kasi mababa lang. Pero habang tumatagal, mas lumalalim. Ang pinakamalalim na nalusong ko is above the knee, konti na lang aabutin na si junior. =))))) Tapos may times na tumutungtong na ako dun sa elevated part sa gitna na naghahati sa dalawang lanes na may mga halaman at maglakad sa edge n’on kasi medyo mataas na talaga ‘yung baha, sa may Lacson Ave. Sobrang epic. Tapos may mga nakakasalubong akong naglalakad din at kinakausap nila ako about sa baha. Ang saya lang kasi kahit na ganon ‘yung pinagdaraanan nila super ngiti at saya pa rin nila. I have to say, “That’s the spirit!” Tas habang naglalakad pa, super nakakaawa ‘yung mga naka-lubog na bahay dahil sa baha. Hindi ko pa na-experience ‘yon kasi medyo mataas ‘yung lugar namin kaya we’re safe. Kaya sana talaga last na ‘tong nangyari na ‘to. Naglakad ako ng almost one hour, kasi medyo mahirap maglakad sa baha. Mga realizations na ang swerte ko pala kasi hindi ko pinagdaraanan ‘yong mga ganung bagay. 

Image

 

Tas nung nandon na ako sa part na wala ng baha, tumigil ako para sabihin sa baha na, “Bye! Sana ‘di ka na ulit bumalik.” :)))) Ayon, masaya lang talaga ako sa araw na ‘to kasi from that experience, ang dami ring realizations. The summary of that realizations was, ANG SWERTE KO PALA.  Kaya kahit na sobrang hassle ng pagpunta at pauwi para lang makapag-donate, hindi ako nagsisisi, bagkos, masaya pa ako, kasi nakatulong ako at natuto ako. Sana kayo rin. 😉 Kung mukha akong kawawa dito, 

Image

 

ayos lang… kasi ang totoo, 

Image

 

masaya ako! Thank you, Lord. Sana po ingatan Niyo ang mga anak Niyo. ‘Wag Niyo po kaming pababayaan. Kaya po namin ‘to, kasama ng gabay at pagmamahal niyo. 

 

P.S. Salamat sa pagbasa! Sana nag-enjoy kayo kakatawa sa paglusong ko sa baha. HAHAHA 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s