Tao lang din. :)

Kaibigan? Oo, ako yun. Advise giver? Oo, ako yun. Di ka iiwan? Oo, ako yun. Mahaba pasensya? Oo, ako yun. Mapag-intindi? Oo, ako yun. Concerned? Oo, ako yun. Shoulder to lean on? Oo, ako yun. Tao? Ako din yun, hindi lang kayo. 🙂
Madami akong kaibigan. Lahat yun pinapahalagahan ko. Lahat yun di ko kayang iwan, depende na lang kung siya na mismo ang gumawa ng dahilan. Lahat yun mahal ko. Isa akong taong walang lovelife. Sabihin ko man na dahil wala akong oras para dun, mali pa rin, kasi sa dami ng kaibigan ko … para sa kanila may oras ako. Kaya di siguro talaga muna para sakin yung buhay pag-ibig, kasi mas madaming taong nangangailangan sakin. Pero pano nga pala yung sarili ko? Dahil ba sa mga attributes ko, nagiging selfless na ako? Okay lang sakin pero bakit parang madaming naaawa sa pagiging ganito ko. Minsan iniisip ko, nakakailang na maglabas ng problema kasi parang tingin nila ang lakas ko. Parang kaya ko ng i-handle to at bigyan na lang ng panahon yung mga taong may kailangan sakin. Pero hindi ba naiipon ko lang lahat tas pag mag-isa ako naiisip ko na lahat ng problema ko? Pano naman ako? Ang hirap na kasing baguhin ng mga bagay na nakasanayan ko na. Parang di na ako sanay. Sobra kong magpapasalamat sa taong makakapagparealize sakin na kailangan ko siya bilang kaibigan, na masasabi niya kapag hindi na ako okay kahit di niya tinatanong, na bigla na lang akong aakapin kse alam niyang di ko na kaya. Sa tigas ng ulo ko na to? Haha. Bilib na ako kung may makakagawa nun.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s