Pagpursigihan at samahan ng dasal. ;)

Ang pagdedesisyon ng mga bagay na importante sayo ay sobrang mahirap. May mga panahong kala mo ayun na talaga ang gusto mo at makaraan ng ilang araw, ilang linggo, ilang buwan o kahit gaano pa katagal yan ay magbabago pa rin yun dahil ayun ang sinasabi ng utak at ng nararamdaman mo. Kaya pag napag-isipan mo na ng maayos, gagawa ka ng paraan para makamit yung kagustuhan mo. Hindi madali pero kailangan mong magpasensya. May mga oras na kala mo makakamit mo na, pero hindi mo pa rin pala makukuha. May panahong gustong gusto mo na talagang makamit iyon, pero biglang may hadlang pa. May mga pagkakataong naiiyak ka na at gusto mo ng sumuko, pero sinasabi ng sarili mo na kayanin mo … na ganyan talaga ang buhay ng tao. Wala ka naman talagang magagawa kung hindi kayanin, kasi ayun yung kagustuhan mo. Umiyak ka man ng maraming beses, hindi yun makakabawas sa pagkatao mo. Kasi alam mong pagkatigil mo sa pag-iyak ay susubukan mo ulit. Ilang beses ka mang madapa, tatayo ka ulit. Madami mang nagsasabi na wala ka ng mararating, itutuloy mo pa rin. Hindi mo naman kasalanan na nagkamali ka ng desisyon nung una e. Hindi mo kailangang magsisi, ang kailangan mo ay kumilos. Pagpursigihan mo lang at samahan mo ng dasal, makakamit mo din yan ng may kaligayahan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s