Normal lang, umiibig din.

Hindi ako perpektong tao, hindi sobrang talino, hindi mayaman, at sakto lang ang itsura ko. Hindi ako ‘yong lalaking pag may naraanang babae ay makakarinig ng tilian at kalabog ng paa sanhi ng talunan dahil sa sobrang kilig. Normal lang ako. Wala akong advantage sa face value, pang-mid lang. Hindi ako nangongolekta ng tsiks. Hindi ako nagbibilang ng naging karelasyon, actually, isa pa lang talaga. Hindi ko alam kung wala nga ba akong panahon o sadyang takot lang ako. Takot, kasi hindi ko lang talaga alam gagawin ko. Hindi ako takot masaktan, takot lang ako makasakit. Hindi pa ako sigurado sa mga ganyang bagay, marami man akong napagdaanan sa buhay ko… ayan ‘yong bagay na hindi ko pa napagdaraanan ng ganun katagal. Nasasabi ko nga na kapag nakapagtapos na ako, tyaka ko iisipin yan… pero hindi pa rin maiwasan na minsan’y mapagnilayan ko ang ganyang bagay. Teenage love? Eto ba ‘yong sobrang kilig na kilig ka? Eto ba ‘yong pakiramdam na parang dalawa lang kayo sa mundong ibabaw? Ewan ko, ang korni ng utak ko, e. Pero malay natin, dumating din ‘yan. May dalawang taon pa naman ako bago maging young adult, atleast bata pa rin. Young, e, maipilit lang. Haha. Tulad nga ng sinabi ko, normal lang ako, gusto ko rin maranasan ‘yan. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s