May kaibigan ako.

Ang swerte ko dahil nakilala ko tong taong ito. Teenager lang, kaidaran ko. Hindi siya nakakatanda sa mga kaclose niya pero sobra kung galangin siya. Hindi siya mayaman tulad ng iba pero tinitingala siya. Hindi siya kadugo ng mga tao, pero minamahal at binibigyan ng importansya. Siya ang bossing ng mga kilala at nakakakilala niya. Ang daling lapitan. Hindi nanunumbat. Ang lakas makaintindi ng tao. Sobrang mapagbigay ng oras niya. Kahit na malayo, basta kailanganin siya, on the go lang. Stress reliever na ata niya ang pagtulong sa iba. Pano, masarap daw sa pakiramdam. Basta kaya niya, gagawin niya. Basta para sa iba, mas ginaganahan siyang gawin. Selfless siyang tao. Mas iniintindi niya yung iba kaysa sa sarili niya. Dun siya nagiging masaya, e. Sabi nga nila, Dun ka kung san ka magiging masaya. Napakaswerte ng mga taong nakapaligid sa kanya, isa na ako dun. Kuya, Boss at Adviser pa ng karamihan. Sasabihin lahat ng alam niya sa buhay para lang maintindihan mo kung bakit nangyayari sayo ang isang bagay. Hindi ka titigilan hangga’t maging okay ka. Kahit mabasa ang damit dahil sa luha mo, okay lang. Minsan may di nakakasundo, at may nakakagalit din pero wala siyang ginagawang masama dahil dun. Hinahayaan na lang niya hanggang maging okay na. Pero minsan naaawa ako sa kanya, sobrang bait kasi at mapag-intindi. Kahit magmukha na siyang tanga, wala siyang paki. Hindi man perpekto, pero idol ko siya. Sobrang buting tao. May bisyo man, wala namang tinatapakang tao at hindi nagbago. May malambot na puso pero matapang na personalidad. Tahimik kadalasan pero pag nagsalita na, madami kang matututunan. Ang unique niyang tao. Sana makilala mo din siya. :>

Advertisements

2 thoughts on “May kaibigan ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s