Masarap magpatawad.

Hindi naman mawawala sa pagsasama ang alitan, ‘di pagkakasunduan, o away. Maging sa pagkakaibigan, relasyon o pamilya pa yan. Kung totoo kayo sa isa’t isa, maaayos din yan. Oras lang. Kung ang isa ay gumawa na ng paraan at hindi mo pinansin, ikaw na ang may problema diyan. Bigayan lang. Tapos na gawin nung isa ang dapat gawin para maayos, ikaw naman ang dapat kumilos. Hindi naman nakakahiyang magpatawad, ‘di ba? Alam mo, ang pride, parang gamot lang yan. Pag nilunok mo, nakakagaan ng pakiramdam. Kasi pag nagpatawad ka, wala ka ng mararamdaman na worry sa sarili mo. Mas magiging malaya ka. Wag mong isiping dahil sayang ‘yung pinagsamahan niyo, ang isipin mo’y dahil sayang yung mga oras na dapat masaya lang kayo at walang iniintinding problema. Kaya dapat matuto kang magpatawad, dahil dun mo mapapatunayan ang pagmamahal mo. Tulad ng Diyos, ilang beses ka naba niya pinatawad? Ganun din dapat tayo. Pare-pareho lang naman tayong tao, e. Hindi naman dahil sinabi mong “Pinapatawad na kita.” ay pinapatawad mo na talaga. Mas mabuti nang hindi mo sinabi yun basta sa puso mo’y pinatawad mo na siya. Ang sarili ay parang basurahan… ‘pag puno na ng ‘di magagandang bagay ay hindi na maganda, pero pag tinapon at inalis mo na ‘yung hindi magandang laman, hindi ba’t mas okay na?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s